Home HOME BANNER STORY Prosekusyon ‘di nakasandig sa mas mababang threshold kundi sa ebidensya — Barbers

Prosekusyon ‘di nakasandig sa mas mababang threshold kundi sa ebidensya — Barbers

2
0

MANILA, Philippines – Nilinaw ni House impeachment team adviser at spokesperson Ace Barbers na hindi umaasa ang prosecution panel sa pagbaba ng voting threshold upang ma-convict si Vice President Sara Duterte, kasunod ng pagbaligtad ng Senate impeachment court sa naunang 16-vote requirement.

Ayon kay Barbers, mula sa simula ng paglilitis ay nakatuon ang prosecution sa pagpapatunay sa apat na Articles of Impeachment sa pamamagitan ng mga dokumento, testimonya at iba pang ebidensya.

“Sa umpisa pa lang nitong trial na ito ay hindi naman kami umaasa sa numero,” ani Barbers sa post-trial press briefing.

“Kung ’yan ay 16, 15, 14, 13, whatever the number is, kami ay confident na ang aming ebidensya, ang aming mga witnesses ay maglalatag ng mga ebidensya to support the allegations in the four articles that we have submitted to the impeachment court,” dagdag niya.

Nauna nang iginiit ng kampo ni Duterte na hindi dapat baguhin ang 16-vote threshold sa kalagitnaan ng paglilitis, habang sinabi naman ng prosecution na dapat ibatay ang two-thirds requirement sa mga senator-judge na aktuwal na maaaring makilahok sa proceedings.

Nanawagan si Barbers sa mga senator-judge na ibatay ang kanilang magiging desisyon sa mga ebidensyang ihaharap sa impeachment court.

“Let the evidence speak,” aniya.

Sinabi rin ng House prosecution matapos ang threshold ruling na igagalang nito ang desisyon ng impeachment court at ipagpapatuloy ang paglalahad ng kaso laban sa Bise Presidente anuman ang bilang ng botong kakailanganin para sa conviction. Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here