MANILA, Philippines- Upang mapagaan ang pasanin sa mga ospital at pasyente, tinitingnan ni Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) President at CEO Dr. Edwin Mercado na mapabuti ang kahusayan ng sistema ng pagproseso ng mga claim ng state health insurer.
Sa isang press briefing, kinilala ni Mercado ang mga “inefficiencies” sa sistema ng PhilHealth, partikular sa pagproseso ng mga reimbursement sa ospital at idiniin ang pangangailangan para sa isang mas “streamlined approach.”
Idinagdag pa na ang minor errors tulad ng misspelling o missing attachments, na dapat hindi hadlang sa ospital sa pagtangap ng kanilang bayad.
Ayon kay Mercado, isa sa kanyang pangunahing inisyatiba ay ang digitalization ng PhilHealth processes para mapahusay ang kahusayan at transparency.
Aniya, kapag na-digitalize ang sistema ay mas matutukoy ang mga potensyal na oportunidad. Jocelyn Tabangcura-Domenden