Home NATIONWIDE Proteksyon ng OFWs, trabaho para sa mga Pinoy isinulong ni PBBM sa...

Proteksyon ng OFWs, trabaho para sa mga Pinoy isinulong ni PBBM sa Germany visit

BERLIN- Iginiit ni Pangulong Ferdinand ”Bongbong” Marcos Jr. nitong Martes ang commitment ng Pilipinas na protektahan ang mga Pilipinong nagtatrabaho sa ibang bansa.

Sa joint press conference kasama si Chancellor Olaf Scholz, inihayag ni Marcos na lumagda ang Pilipinas at ang Germany sa renewal ng Cooperation Programme sa pagitan ng Technical Education Skills Development Authority at ng Federal Institute for Vocational Education and Training. 

”Both sides are also working towards the conclusion of the Memorandum of Agreement on the placement of skilled workers and other professionals,” anang Pangulo.

Ani Marcos, magiging kapaki-pakinabang ito sa Pilipinas dahil magiging ”better trained” ang workforce ng bansa.  

‘It will be an advantage to Germany because we now have a workforce that can contribute to German economy as well,” ayon pa kay Marcos.

Kinilala rin niya ang mahalagang kontribusyon ng Filipino healthcare workers at iba pang overseas Filipino workers sa kultura at ekonomiya ng Germany.

Sinabi ni Scholz na nilalayon ng Germany na paghusayin ang kooperasyon sa larangan ng vocational training.

”German vocational training is something that is of greatest importance for the quality of the work that is provided. Yes, those are being—we have students that have started in the German universities but we excel especially because of vocational education and training,” pahayag ni Scholz.

”So, this is a good area for cooperation between the Philippines and the Germany. And I believe it’s important that we also focus on this area: vocational education and training and that we continue to cooperate closely in this sector,” dagdag niya.

Mayroong halos 35,000 Filipino sa Germany na nagtatrabaho sa healthcare, IT, hotel, at hospitality industries. RNT/SA

Previous articlePuganteng Taiwanese tiklo sa BI
Next articleFailure of election nagbabadya ‘pag di naresolba usapin sa poll contractor – solon