Home NATIONWIDE Proteksyon sa press freedom, pinalakas ng NBI, PTFoMS

Proteksyon sa press freedom, pinalakas ng NBI, PTFoMS

209
0

MANILA, Philippines – Pormal na lumagda sa isang seremonyal na Memorandum of Agreement (MOA) ang National Bureau of Investigation (NBI) at ang Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS), isang mahalagang hakbang upang mapalakas ang pagbibigay-proteksyon sa press freedom.

Ang naturang kasunduan ay isang hakbang upang lalo pang mapagtibay ng gobyerno ang laban laban sa karahasan at banta sa mga miyembro ng media.

Kasunod ng seremonya, nag-host ang NBI ng First Inter-Agency Meeting ngayong taon kung saan nagsama-sama ang iba’t ibang stakeholders upang maihanay ang mga estratehiya para sa proteksyon ng mga mamamahayag.

Prayoridad ng nilagdaang kasunduan ang pagpapalitan ng mga nakalap na impormasyon ng dalawang ahensya upang makabuo ng mahalaga at kritikal na datos sa mga kasong may kaugnayan sa mga mamamahayag.

Kasabay nito, itinalaga ni NBI Acting Director Atty. Angelito DLP. Magno ang mga sangay ng kanyang ahensya na Investigation Service (OADINVS), Homicide Division (NBI-HD), at Public Relations and Information Division (NBI-PRID) upang pangunahan ang napagkasunduan. Magtatalaga rin siya ng isang liaison officer na magmomonitor at makikipag-ugnayan sa mga miyembro ng PTFoMS.

Sa kanyang maikling talumpati bilang message of commitment, sinabi ni PTFoMS Undersecretary Joe Torres na ang paglagda sa kasunduan kasama ang NBI ay isang mahalaga at malaking hakbang upang makatulong sa pagbibigay ng proteksyon sa mga mamamahayag kaugnay ng kanilang ginagampanang tungkulin sa pagbibigay ng makabuluhang impormasyon sa publiko.

— James I. Catapusan

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here