Home OPINION PROTEKSYON VS. NATURAL AT MAN-MADE HAZARDS

PROTEKSYON VS. NATURAL AT MAN-MADE HAZARDS

172
0

KAKAMBAL na ng ating buhay ang tinatawag na hazards na maaaring magdulot sa atin ng malaking problema. Posibleng manganib ang ating buhay dahil sa natural at man-made o technological hazards.

Tinatawag na natural hazard ang mga pangyayari tulad ng bagyo, lindol, tagtuyot, pagsabog ng bulkan at iba pa. Man-made o technological hazards naman ang fire, chemical o oil spill, biglaang pagguho ng building structure, power failure at iba pa.

Hindi maling sabihin na maaaring maiwasan at maproteksyunan ang ating mga sarili mula sa man- made hazards kumpara sa natural. Halimbawa na lamang dito ang pag-iwas sa fire hazard. Dahil sa sandamukal na fire prevention methods tulad ng good housekeeping, pagpapaskil ng “No Smoking” sign, paglalagay ng earthing/grounding system, paggamit ng certified na electrical appliances, pagkakaroon ng fire safety program at iba pa-maiiwasan talaga natin ito.

Pero sa pag-alburuto o pagsabog ng bulkan tulad ng Bulkang Taal sa Batangas, eh’ hindi natin ito maiiwasan at mapipigilan. Ang tanging magagawa lamang dito ay ang pagkakaroon ng emergency plan o dokumentong magiging guide ng awtoridad o organisasyon sa pagharap sa natural hazards na may layong pigilan ang casualty at maging resilience ang mga survivor sa pagharap sa kalamidad. Halimbawa nito ang pagkakaroon ng emergency rescuer, pagsasagawa ng emergency drill, reporting scheme, emergency hotline, pagtalima sa warning alerts, evacuation plan at iba pa.

Kailangang maging alerto ang ating mga kababayan na nasa paligid ng bulkang Taal dahil sa ipinakita nitong minor phreatomagmatic eruption nito lamang nakaraang Martes at kinonsiderang nasa Alert level 1 ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Malaki ang maitutulong nang masusing pagmomonitor at kooperasyon mula sa ating mga kababayan lalo na sa aspeto ng rescue at emergency evacuation kung sakaling tumaas ang alert level na nangangailangan ng obligadong paglikas. Para din naman ito sa kaligtasan ng mga Batangueño at iba pang mga naninirahan sa karatig-lugar.

Huwag din nating kalilimutang magdasal at humingi ng awa sa Poong Lumikha na Siya lamang ang may kakayanang pumigil sa tinatawag na “natural hazards”.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here