MANILA, Philippines – Nilinaw ni House Secretary General Reginald Velasco na peke ang nakitang Number 8 protocol plate na nakakabit sa isang sports utility vehicle (SUV) na nagviral.
“From the picture taken, it would seem that the protocol plate is fake, it does not have the security features of an original 8 protocol plate,” pahayag ni Velasco.
Ayon kay Velasco, may kakayahan ang mga awtoridad na tukuyin at kumpiskahin ang mga pekeng protocol plates.
Sa viral video ay makikita na sumakay ang viral driver sa sasakyan na may protocol 8 kaya naman nagbigay ng paliwanag dito ang Kamara.
Sinabi ni Velasco na mula pa noong Abril 2024 ay ipinagbawal na ni House Speaker Martin Romualdez ang paggamit ng mga congressman sa ilalim ng 19th Congress ng protocol plates.
Mayroon unanong kasunduan ang Kamara sa Metropolitan Manila Development Authority(MMDA) na ang mga driver na gumaganit ng number 8 ay maaaring hulihin at kumpiskahin ang plaka. Gail Mendoza