Home HOME BANNER STORY Palasyo binatikos ng Makabayan Bloc: Sa fare hike mabilis, wage increase dedma

Palasyo binatikos ng Makabayan Bloc: Sa fare hike mabilis, wage increase dedma

MANILA, Philippines – Binatikos ng Makabayan Bloc ang Malacanang sa kawalang aksyon nito sa panawagang wage increase subalit sa pagtaas ng pamasahe at iba pang bayarin ay mabilis umaksyon.

Ayon kina ACT Teachers party-list Rep. France Castro, Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas at Kabataan party-list Rep. Raoul Manuel ang hiling ng sektor na manggagawa na P200 na taas sahod ay hindi prayoridad ng administrasyong Marcos.

“The P200 wage hike increase is small, but they still do not want to certify it as urgent. But fare hikes for LRT are immediately implemented,” giit ng Makabayan Bloc.

“Filipino workers cannot wait any longer. What we need is immediate, substantial relief through a legislated wage increase across the country,” giit pa ng grupo.

Tinukoy ng Makabayan Bloc ang mabilis na aksyon nito sa pagtaas ng LRT Line.

Kasunod ng ipinatupad na fare hike ay P55 na ang single journey ticket habang ang minimum fare ay magiging P20 mula sa dating P15. Gail Mendoza