Home ENTERTAINMENT Wendy at Yeri kumalas na sa SM Entertainment ngunit mananatiling miyembro ng...

Wendy at Yeri kumalas na sa SM Entertainment ngunit mananatiling miyembro ng Red Velvet

SOUTH KOREA – Inanunsyo ng SM Entertainment nitong Biyernes, April 4, na opisyal nang kumalas sina Wendy at Yeri sa kompanya kasunod ng pagkakapaso ng kanilang exclusive contracts.

Sa pahayag, sinabi ng SM Entertainment na sa kabila ng pag-alis ng dalawa sa agency ay mananatili naman itong miyembro ng Red Velvet at sa mga aktibidad sa ilalim ng SM.

Humingi naman ng suporta ang ahensya sa mga fans para sa Red Velvet, kasabay ng pagpapasalamat kina Wendy at Yeri.

Matatandaan na nag-debut bilang miyembro ng Red Velvet noong 2014 si Wendy, at noong 2015 naman si Yeri.

Bukod sa kanilang mga aktibidad bilang Red Velvet members, si Wendy ay isang solo vocalist at radio host, habang si Yeri ay isang songwriter, actress at MC.

Nauna nang nag-renew ng kani-kanilang kontrata sa SM sina Seulgi, Irene at Joy. RNT/JGC