MANILA, Philippines- Papayagan ang provincial buses na dumaan sa Epifanio Delos Santos Avenue (Edsa) para sa Araw ng Kagitingan at ilang araw para sa Holy Week.
Ang April 9 maging April 17, 18, at 19 ay public holidays.
Inanunsyo ito ni MMDA Chairperson Don Artes sa isang press conference sa headquarters ng ahensya sa Pasig City nitong Biyernes.
“Para makabiyahe nang mas mabilis yung ating mga kababayan, papayagan natin ang buses sa Edsa starting April 9, between 10 p.m. to 5 a.m… [S]tarting April 16 hanggang April 20, papayagan natin ng 24 hours ang mga buses sa Edsa,” wika ni Artes.
“[A]ng mga buses galing norte ay hanggang Cubao lang ang pinakamalayo nilang pwede nilang lakbayin. Ganoon din ang galing south, hanggang Pasay lang,” dagdag niya.
Inanunsyo rin ng metropolitan authority ang pagtatalaga ng mahigit 2,500 tauhan para sa Mahal na Araw. RNT/SA