Home ENTERTAINMENT Randy, nag-flex ng friendship nila ni Willie!

Randy, nag-flex ng friendship nila ni Willie!

Manila, Philippines- Friends will always be friends no matter what.

Ito ang nais patunayan ni Randy Santiago tungkol sa uri ng pagkakaibigan nila ni Willie Revillame.

No doubt, it has stood the test of time.

Hindi man daw madalas na bukas ang kanilang linya ng komunikasyon, nananatiling laging bukas si Randy whenever Willie needs him.

Tulad na lang ngayong wala si Kuya Wil sa kanyang programang Wowowin dahil sa pangangampanya, si Randy nga ang pansamantalang pumalit.

Aware naman si Randy kung gaano raw na-miss ni Willie ang programa nito nang mawala.

Willie’s feeling was a quaint mix of boredom at pagkainip.

“Alam ko kung gaano siya nalungkot nu’ng mawala ‘yon sa ere,” ani Randy.

Ayon kay Randy, kabisado na raw niya ang ugali ng kanyang kaibigan sa mga panahong nangangallangan ito ng pag-aalalay.

“Sasabihin lang niya sa akin, ‘Pare, samahan mo naman ako.’ That’s it!” rebelasyon ng singer-host-director.

Kung sa pagtulong daw ay kayang ipagkaloob ‘yon ni Randy nang syento porsyento kahit na busy rin siya sa kanyang personal career as singer.

Mabenta pa rin kasi si Randy sa mga tours abroad most especially sa US.

Pero nilinaw ni Randy na he’s supportive kay Willie. Ronnie Carrasco III