MANILA, Philippines – Humiling ang ilang residente ng Candaba, Pampanga sa National Bureau of Investigation (NBI) na imbestigahan ang mga umano’y iregularidad sa flood control projects at paggamit ng pondo ng pamahalaan, na sangkot ang mga kumpanya na iniuugnay kay Candaba Mayor Rene Maglanque.
Nitong Biyernes, Setyembre 11 ay dumating si Atty. Faye Singson at Atty. Joey dela Cruz, counsel para sa 14 residente na nagsilbing complainant kasama si dating Candaba Mayor Jerry Pelayo sa opisina ng NBI Organized and Transnational Crimes Division para maghain ng reklamo.







