MANILA, Philippines – NAGLABAS si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng proklamasyon na nagdedeklara ng “Day of National Mourning” para sa pagpanaw ni National Artist Resil B. Mojares.
Nakasaad sa Proclamation No. 1434, nagdedeklara sa araw ng Sabado, Setyembre 12, bilang Day of National Mourning bilang pagbibigay galang kay Mojares upang ang buong bansa ay maaaring makiisa sa pamilya at mga kaibigan ng namayapang National Artist sa sandali ng pagdadalamhati at pag-alaala.
“The passing of National Artist for Literature Resil B. Mojares is a great loss to the Filipino people and to the nation’s cultural and artistic community,” ang nakasaad sa proklamasyon.
Sinasabi pa sa proklamasyon na ang natatanging kontribusyon ni Mojares bilang ‘pivotal figure’ sa Philippine literature at cultural studies ay labis na nakatulong sa pang-unawa at appreciation ng bansa sa literary at cultural heritage nito.
Sinasabi pa sa proklamasyon na sa ilalim ng Republic Act No. 8491 o Flag and Heraldic Code of the Philippines…”the flag shall be flown at half-mast as a sign of mourning on all buildings and places where it is displayed on the day of the interment of the recipients of the National Artist award.”
Para kay Mojares, ang pambansang watawat ay wawagayway ng half-mast mula pagsikat ng araw hanggang paglubog ng araw, sa lahat ng gusali ng gobyerno at instalasyon sa buong Pilipinas at ibang bansa, sa nasabing petsa.
Sa ilalim ng Proclamation No. 606 (s. 2018), si Mojares ay idinedeklara bilang National Artist bilang pagkilala sa kanyang trabaho, at achievements bilang guro, iskolar, manunulat, fictionist, at historian, na nakapag-ambag sa promosyon ng regional literature at kasaysayan at maging sa formation ng Cebuano at national identity.
Tinintahan ang proklamasyon nito lamang Setyembre10. KRIS JOSE