Home NATIONWIDE NBI naghain ng disbarment vs mga abogado sa honeytrap plot kay Recto

NBI naghain ng disbarment vs mga abogado sa honeytrap plot kay Recto

1
0

MANILA, Philippines – Naghain ng disbarment ang National Bureau of Investigation (NBI) nitong Biyernes, Setyembre 11 laban sa ilang abogado sa kaugnayan sa umano’y plano laban kay Executive Secretary Ralph Recto.

Ayon sa NBI, ang reklamo ay inihain sa Korte Suprema.

Nauna nang sinabi ng SC na confidential ang disciplinary proceedings laban sa mga abogado.

Ibinabala ang hindi awtorisadong disclosure ng disbarment proceedings na maaaring magresulta sa sanctions.

Noong nakaraang linggo, naghain ang NBI ng reklamo laban kay Batangas First District Representative Leandro Leviste at dating Negros Oriental congressman Jacinto Paras.

Matatandaan na sinagip ng mga ahente ng NBI ang ilang indibidwal sa entrapment operation.

Ilan sa mga biktima ay nagsabing sinabihan umano sila ni Paras na babayaran kung gagawa ng kwento at pipirma ng affidavit, at makatatanggap ng bayad in tranches sa pagpapatuloy ng kaso.

Itinanggi ng campo ni Leviste ang kaugnayan sa umano’y plano, habang sinabi naman ng kampo ni Paras na boluntaryo silang nilapitan ng talent manager para humingi ng tulong sa pag-draft ng affidavit. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here