Home HOME BANNER STORY PSA: Kahit sino pwedeng magsampa ng kaso sa kanselasyon ng birth cert...

PSA: Kahit sino pwedeng magsampa ng kaso sa kanselasyon ng birth cert ni Guo

Kuha ni Cesar Morales l Remate File Photo

MANILA , Philippines — Sinabi ng Philippine Statistics Authority (PSA) na maaaring magsampa ng kaso ang sinuman upang kanselahin ang birth certificate ni Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo, na kinukuwestiyon ang citizenship dahil sa hindi pagkakatugma sa kanyang mga talaan ng gobyerno.

“Anyone case file a case against you or the state can file a case against any person dahil ang estado ay may interes sa identity ng bawat isa sa atin,” ani PSA director for legal services Eliezer Ambatali.

Kung magpasya ang korte na kanselahin ang birth certificate ni Guo, babalik siya sa isang “floating status.”

Nauna nang sinabi ng Office of the Solicitor General (OSG) na naglunsad ito ng imbestigasyon kay Guo kasunod ng mga akusasyon na maaaring siya ay isang Chinese “asset” o “espiya.”

Ayon kay Ambatali, na ang parehong “magulang” na nasa birth certificate ng mayora ay “walang mga rekord” sa PSA, na nagpapataas ng posibilidad na sila ay “fictitious” o hindi totoo.

“So ang ibig sabihin nito ay maaaring hindi totoo na merong Amelia Leal or Angelito Guo. Maaari rin na hindi lang nakapagparehistro,” ani Ambatali.

Sa kabilang banda, may karapatan din si Guo na magsampa ng petisyon para itama ang mga maling tala sa kanyang birth certificate.

“Puwede rin na hindi cancellation ang isampa na petisyon. Pwede rin kasi na may mali sa mga nakasaad sa kanyang birth certificate,” ani Ambatali.

Inamin din ng PSA official na marami pa ring Pilipino ang kulang sa birth records.

Ayon kay Ambatali, hindi bababa sa 17 local civil registries ang nasa ilalim ng imbestigasyon dahil sa “unusual” na bilang ng mga delayed birth registration doon. Santi Celario