Home NATIONWIDE PSA nagbabala: National ID walang kaakibat na cash assistance

PSA nagbabala: National ID walang kaakibat na cash assistance

MANILA, Philippines – Nagpaalala sa publiko ang Philippine Statistics Authority (PSA) nitong Huwebes, Marso 14, na walang katumbas na financial assistance ang pagkakaroon ng
Philippine Identification System (PhilSys) ID.

Ipinaliwanag ng PSA na bagama’t maipapakita ang PhilID o ePhilID bilang proof of identitiy kung mag-aapply sa mga benepisyo ng pamahalaan, ang mga benepisyong ito ay ibinibigay batay sa panuntunan ng ahensya ng pamahalaan.

Tinukoy ng PSA ang Facebook post na nagsasabing ang mga may national ID ay makakakuha ng P5,000 cash assistance mula sa pamahalaan.

Samantala, iniulat ng PSA na nasa 48,415,248 PhilIDs ang naipadala na sa buong bansa hanggang noong Pebrero 23, 2024.

Mahigit 45 milyong ePhilIDs din ang nailabas na. RNT/JGC

Previous articleLeBron, Lakers giniba ng Kings
Next articleResolusyon nagpupugay sa Filipino Asiad bets pinagtibay ng Senado – Villanueva