MANILA, Philippines – Naglabas ng babala ang Philippine Statistics Authority (PSA) sa publiko na mahigpit na ipinagbabawal ang pag-print ng kanilang Digital National ID (PhilID) sa polyvinyl chloride (PVC) cards, o anumang pisikal na format.
Sinabi ng PSA na tanginga ang opisyal lamang na National ID cards na naimprenta ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at idiniliber ng National ID Service Delivery Service Provider ang valid.
Ang mga card ay karaniwang gawa sa isang mas secure na materyal na may tamper-proof na mga tampok, sabi ng PSA.
Dagdag pa ng ahensya na ang mga Digital National ID na naka-print sa PVC card ay hindi tatanggapin bilang patunay ng pagkakakilanlan o edad para sa anumang pampubliko o pribadong transaksyon.
Pinaalalahanan ng PSA ang lahat na ang opisyal na Digital National ID ay makukuha lamang sa pamamagitan ng National ID website, na isang uri ng valid identification.
Ang mga mahuhuling nagpi-print, naghahanda, o nag-iisyu ng mga hindi awtorisadong National ID, kabilang ang digital na bersyon, ay nahaharap sa malubhang kahihinatnan. Itinatakda ng Philippine Identification System Act (Republic Act No. 11055) ang pagkakakulong ng tatlo hanggang anim na taon at multang P1 milyon hanggang P3 milyon para sa mga lalabag.
Hinimok ng PSA ang publiko na i report ang anumang kahina-hinalang aktibidad kaugnay sa hindi awtorisadong printing .
Hinihikayat ng PSA ang publiko na iulat ang anumang kahina-hinalang aktibidad na may kaugnayan sa hindi awtorisadong pag-imprenta sa pamamagitan ng pagtawag sa kanilang hotline 1388, pag-email sa [email protected], o pagpapadala ng mensahe sa pamamagitan ng kanilang opisyal na Facebook page. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)