Home NATIONWIDE PSA sa TikTok influencers: Magsaliksik muna bago gumawa ng inflation content

PSA sa TikTok influencers: Magsaliksik muna bago gumawa ng inflation content

MANILA, Philippines- Pinayuhan ng Philippine Statistics Authority (PSA) nitong Huwebes ang TikTok influencers na gumagawa ng content sa inflation na busisiin ang opisyal na datos ng pamahalaan.

Sa press briefing, sinabi ni PSA chief and National Statistician Claire Dennis Mapa na “aware” siya sa mga ganitong TikTok influencers.

Pinagsama-sama ni JP Tanyag, data analyst, ang links at screenshots ng TikTok influencers na tumatalakay sa inflation, karamihan sa mga ito ay ukol sa pagbaba ng inflation rate sa loob ng anim na sunod na buwan.

Sa kabila nito, lumobo ang inflation noong August sa 5.3%, kumpara sa 4.7% rate noogn July.

Lumobo ang inflation nitong Setyembre sa 6.1%, kung saan tinukoy ang bigas bilang sanhi.

Bagama’t sinubukang ipaliwanag ng TikTok influencers kung ano ang inflation iat paano ito nakaaapekto sa araw-araw na pamumuhay ng mga Pilipino, napansin ng netizens ang ilang pagkakamali, tulad ng maling pagbigkas ng ilang influencers sa inflation bilang“inflammation” o “infliation.”

Nang hinagn ng komento ukol sa influencers na tumatalakay sa inflation sa social media platforms, sinabi ni Mapa, “Ang Philippine Statistics Authority ay nakikiusap na basahin at araling mabuti ang aming report tungkol sa inflation sa bansa.”

“Ang isyu ng inflation ay isang mahalagang usapin at dapat ito ay araling mabuti. Sabi ko nga kanina maraming factors that would affect the increase, decrease of inflation rate kasi nga maraming mga commodity,” giit ng PSA chief. RNT/SA