Home NATIONWIDE PTAA: Paghihigpit sa visa rules maaaring makahadlang sa Chinese tourists, investments

PTAA: Paghihigpit sa visa rules maaaring makahadlang sa Chinese tourists, investments

MANILA, Philippines- Inihayag ng Philippine Travel Agencies Association (PTAA) na maaaring magdulot ng negatibong epekto sa ekonomiya ng bansa ang mas mahigpit na visa rules para sa Chinese nationals na bumibisita sa Pilipinas.

“Chinese tourists are a major source of income for the Philippines, so making it harder to visit could discourage tourism and hurt businesses. They might even be the ones to give travel advisories not to go to the Philippines,” pahayag ni PTAA president Evangeline sa isang panayam.

Nauna nang inanunsyo ng Department of Foreign Affairs na maghihigpit ang Pilipinas sa visa requirements para sa mga turistang Chinese sa gitna ng mga pekeng aplikasyon na natatanggap ng embahada at konsulado nito sa China.

Ayon kay Foreign Affairs Undersecretary Jesus Domingo,nilalayon ng mas mahigpit na visa requirements na tukuyin ang “illegitimate and unsavory” na mga turista mula sa mga lehitimo.

Sangkot umano ang ilang Chinese nationals sa organized crimes tulad ng human trafficking, prostitution, kidnapping, at fraud.

Ani Manotok, maaaring iwasan ng mga lehitimong turista at investors ang Pilipinas dahil sa bagong polisiya. Maaari rin umanong makaapekto ang desisyong ito sa hotel at accommodations sectors.

“They also spend on accommodations, shopping, food, so that has also increased our economy,” aniya at sinabing upang maiwasang maakusahan ng diskriminasyon, dapat tiyakin ng pamahalaan na patas at malinaw ang bagong polisiya.

Base sa Department of Tourism, mahigit 140,000 Chinese individuals ang dumating sa Pilipinas sa unang apat na buwan ng 2024, doble sa bilang sa parehong panahon noong nakaraang taon. RNT/SA