MANILA, Philippines- Nagpulong ang Department of Transportation at transport group PISTON noong Biyernes upang talakayin ang Public Transport Modernization Program (PTMP) sa gitna ng kahilingang ibasura ang inisyatiba.
Nakipag-ugnayan sina DOTr Secretary Vince Dizon at land Transportation Franchising and Regulatory Board Chairperson Teofilo Guadiz III sa mga opisyal ng PISTON.
Nangako ang PISTON at si Dizon na susuriin ang posibleng renewal ng registrations para sa unconsolidated public utility vehicles (PUVs).
Gayunman, iginiit ng transport group na ang konsultasyon at reassurance ay hindi sapat.
Pinuna ni PISTON National Pesident at Makabayan senatorial candidate Mody Floranda ang modernization program na sinasabing nabangkarote ang mga driver at operator habang napipinsala ang sistema ng transportasyon.
Binanggit din na ang bilang ng mga jeepney ay bumagsak sa 150,000 mula sa 300,000. Jocelyn Tabangcura-Domenden