Home NATIONWIDE Publiko binalaan vs pekeng PAGASA officials na nanghihingi ng pera

Publiko binalaan vs pekeng PAGASA officials na nanghihingi ng pera

235
0

MANILA, Philippines- Nagbabala ang state weather bureau na PAGASA nitong Linggo sa publiko laban sa mga indibidwal na nagpapakilalang mga opisyal ng ahensya upang manghingi ng pera para sa isang foundation.

Sa abiso, sinabi ng PAGASA na nakatanggap ito ng ulat na nakatanggap ang isang contractor ng email mula sa pekeng opisyal na humihingi ng donasyon.

“We do not tolerate and detest that misrepresentation,” giit ng ahensya.

“Please be advised that no individuals or organization are authorized to use the name of PAGASA, its officials and employees for a favor,” anito pa.

Hinimok nito ang publiko na iulat ang parehong insidente sa Public Information Unit nito sa (02) 8284-0800 local 1100 to 1101 o sa [email protected]. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here