Home HOME BANNER STORY Mga Pinoy, iba pang tripulante nasagip sa lumubog na barko sa karagatan...

Mga Pinoy, iba pang tripulante nasagip sa lumubog na barko sa karagatan ng India

195
0

BENGALURU, India- Lumubog ang isang Liberian-flagged container ship na may mapanganib na cargo sa karagatan ng Kerala sa India, ayon sa navy nitong Linggo matapos masagip ang 24 tripulante.

Sinabi ng navy ng India na nagkaaberya ang MSC ELSA 3, tinukoy na isang 184-meter (603-foot) long freight ship, na naglalayag mula sa Indian port ng Vizhinjam patungong Kochi, nitong Sabado at nag-isyu ng distress call.

“All 24 crew members on board were rescued,” pahayag ng Ministry of Defense, kung saan isang Indian Coast Guard (ICG) at isang navy patrol boat ang sumundo sa mga crew, na mula sa Georgia, Russia, Ukraine at sa Pilipinas.

“The vessel went down with 640 containers, including 13 with hazardous cargo and 12 containing calcium carbide,” pahayag nito.

Hindi tinukoy ng Defense Ministry ang laman ng containers subalit sinabing mapanganib ang mga ito. 

“Given the sensitive marine ecosystem along Kerala’s coast, ICG has activated full pollution response preparedness,” pahayag ng navy.

Ang vessel ay mayroong kargang nasa 370 tonelada ng langis subalit sinabi ng coast guard na nag-deploy ng “detection systems na “so far, no oil spill has been reported.” RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here