MANILA, Philippines – Sapul ng power outage na tumagal ng ilang oras ang ilang lugar sa pamosong tourist town na Puerto Galera nitong Sabado de Gloria, Abril 4.
Sa ulat, ang pagkawala ng kuryente ay sanhi ng isyu sa Minolo substation na agad namang natugunan.
Hindi naman napigilan ng mataas na presyo ng langis ang mga turista para bumisita sa Puerto Galera partikular na sa Sabang Beach na kilala sa diving at water sports.
Ayon sa datos, mahigit 2,000 ang naitalang tourist arrivals habang 1,700 naman ang nakaalis na.
Nagkaroon naman ng bahagyang pagtaas sa presyo ng water sports at iba pang tour packages.
“Our water sports activities have not changed in price. However, there is a minimal increase in beach shopping activity,” sinabi ni Christine Ibon, Puerto Galera information officer.
“From P1,800 for 1 to 6 persons, it has become P2,000. For our snorkeling activity, there was a very minimal increase of P50,” dagdag pa niya. RNT/JGC