Home NATIONWIDE Truck owner, drayber sa video ng bata na nag-ooperate ng concrete mixer...

Truck owner, drayber sa video ng bata na nag-ooperate ng concrete mixer ipinatawag ng LTO

133
0

MANILA, Philippines – Ipinatawag ng Land Transportation Office (LTO) ang rehistradong may-ari at drayber ng truck na sangkot sa viral video kung saan makikita ang isang bata na nag-ooperate ng concrete transit mixer.

Sa pahayag nitong Sabado, Abril 4, sinabi ng LTO na nag-isyu ito ng show cause na sinundan ng administrative investigation matapos mapanood ang viral video na inupload sa Facebook page na Visor.

Inatasan ng ahensya ang rehistradong may-ari at designated driver na humarap sa Office of the Intelligence and Investigation Division sa Abril 13.

Inoobliga rin ito na magpasa ng sworn comment o paliwanag kung bakit hindi ito dapat sampahan ng kaso sa ilalim ng Reckless Driving and Children in Rear Seats.

Inatasan din ang mga respondent na magpaliwanag kung bakit hindi dapat suspendihin o bawiin ang driver’s license ng mga ito.

“Failure on your part to attend/submit your Comment/Explanation shall be considered a waiver of your right to attend/submit the same, and this Office shall proceed and complete the investigation in its absence,” saad sa show cause order.

Maaaring kumuha ng legal assistance ang mga sangkot sa insidente na makatutulong sa kanila sa imbestigasyon.

Bukod dito, inatasan din ng ahensya ang may-ari at drayber na isuko ang kanilang mga lisensya na ngayon ay nasa ilalim na ng preventive suspension sa loob ng 90 araw.

Inilagay na rin sa alarm status ang trak habang nagpapatuloy ang imbestigasyon. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here