Home NATIONWIDE Ugnayan ng PH, Myanmar magpapatuloy sa pagkapanalo ng eleksyon ng military leader

Ugnayan ng PH, Myanmar magpapatuloy sa pagkapanalo ng eleksyon ng military leader

100
0

MANILA, Philippines – Patuloy na makikipag-ugnayan ang Pilipinas sa Myanmar kasunod ng pagkakahalal kay military leader Min Aung Hlaing, na nahalal bilang pangulo sa pamamagitan ng parliamentary vote.

“The Philippines will continue to engage relevant authorities and stakeholders in Myanmar through Foreign Affairs Secretary Ma. Theresa P. Lazaro, in her capacity as Special Envoy of the ASEAN Chair to Myanmar, as well as through our respective embassies,” sinabi ni Palace Press Officer Claire Castro.

Noong Nobyembre 2025, itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Lazaro bilang Special Envoy of the ASEAN Chair to Myanmar na bahagi ng hakbang ng bansa sa pagsuporta sa regional efforts para matugunan ang krisis sa Myanmar.

Ani Castro, nananatiling committed ang Pilipinas sa pagsuporta sa collective efforts ng ASEAN at hinimok ang momentum patungo sa “full and effective” implementation ng Five Point Consensus.

Umaasa naman ang Pilipinas na huhupa na ang mga karahasan sa Myanmar at makapaghatid ng humanitarian assistance sa mga mamamayan ng naturang bansa. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here