MANILA, Philippines – Inaresto ang isang puganteng Pinoy na si Arnold Abril na may Interpol red notice, sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong Abril 14, 2025, dahil sa mga kasong sekswal.
Ang 56-taong-gulang na dating nakabase sa Abu Dhabi ay nahaharap sa mga kaso ng rape at lascivious conduct.
Ang pagkaka-aresto ay resulta ng isang koordinadong operasyon ng mga law enforcement ng Pilipinas at UAE.
Si Abril, na may gantimpalang PHP160,000, ay nasa kustodiya na ng Quezon City Police District (QCPD). RNT