MANILA, Philippines – Mas pinaigting ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng mas pinaigting na operasyon laban sa mga pasaway at “kamote” na PUV drivers kasunod ng panawagan ni Pangulong Marcos Jr. para sa mas mahigpit na disiplina sa kalsada.
Ayon kay LTFRB Chair Teofilo Guadiz III, kakasuhan din ang mga operator na paulit-ulit lumalabag at maaaring bawiin ang prangkisa kung kinakailangan.
“Driving a public vehicle is a responsibility. If you’re reckless, you’re out because it poses danger to people’s lives,” ani Guadiz.
Hinihikayat ang publiko na i-report ang mga pasaway na drayber sa LTFRB hotline 1342 o sa kanilang opisyal na Facebook page. RNT