Home METRO Puganteng Amerikano nasakote

Puganteng Amerikano nasakote

MANILA, Philippines- Naharang ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Nueva Ecija ang isang Amerikano na pinaghahanap sa kanyang sariling bayan dahil sa kinahaharap nitong sexual assault.

Iniulat ni BI Nueva Ecija head Rick Carlo Balingit ang pagharang kay Michael Lewis Ginsberg, 67, matapos nitong tangkaing palawigin ang kanyang tourist visa sa field office ng BI sa Cabanatuan.

Ayon sa BI, makaraang matanggap ng nasabing dayuhan ang kanyang aplikasyon ay nagsagawa ng regular na derogatory check ang assessor na si Nicole Matulac, at nalaman na mayroon siyang aktibong watchlist para sa isang kaso ng immigration deportation.

Ayon sa mga awtoridad ng US, si Ginsberg ay napapailalim sa warrant of arrest para sa isang bilang ng sexual assault ng Superior Court ng Maricopa County sa Arizona na may petsang Hulyo 2024.

“He charged after allegedly assaulting a client while working as a massage therapist. When confronted, he was said to have fled his residence and hid in New York, then flew to the Philippines on June 2024,” pahayag ng BI.

Sinabi ng gobyerno ng US na ang kanyang pasaporte ay isinasailalim na sa proseso upang bawiin ito sa kanya.

Agad siyang inaresto ng fugitive search unit (FSU) ng BI at nakakulong ngayon sa pasilidad ng BI sa loob ng Camp Bagong Diwa sa Bicutan, Taguig habang nakabinbin ang deportasyon. JR Reyes