Manila, Philippines- Kating-kati na si Derek Ramsay na ibuyangyang sa madlang pipol ang anak nila ng misis na si Ellen Adarna.
“I really want to reveal the beautiful face of my little girl but my wife will kill me!” pag-amin ni Derek sa kanilang convo ni Ellen.
Mabilis naman itong sinagot ni Ellen.
Ani Mrs. Ramsay: “Dyd!”
Obyus na ang ibig sabihin ng “dyd” ay: “Don’t you dare!”
Kaya naman nagkakasya lang ang Ramsay couple na kasama nga nila sa photo sa social media ang kanilang anak ay may emoji namang nakatakip sa mukha nito.
Kunsabagay, even before she gave birth ay hate na hate niya ang usung-uso ngayong pa-gender reveal ng mga celebrity couples.
Lalong hate ni Ellen ang baby shower.
Walang dahilang ibinibigay si Ellen pero it’s just a matter of respecting her stand.
Sang-ayon naman ang ilang netizens sa pag-ayaw ni Ellen na isapubliko ang mukha ng anak.
Tama lang daw na gawing pribado ni Ellen ang buhay ng anak.
Hayaan din daw na mismong ang bata na–pag lumaki-laki na’t magkaisip–ang magdesisyon what’s best for her.
Matatandaang kahit ‘yung pambubuko ni Derek sa presscon ng MMFF entry niyang Kampon noong 2023–kung saan inamin niyang nagkaroon si Ellen ng miscarriage–ay hindi nito nagustuhan.
Ellen even vowed never to share any more pregnancy-related stories with Derek from then on. Ronnie Carrasco III