Home NATIONWIDE Rasyonalisasyon ng ruta ng mga dyip target tapusin sa 2026 – DOTr

Rasyonalisasyon ng ruta ng mga dyip target tapusin sa 2026 – DOTr

MANILA, Philippines- Layon ng gobyerno na i-rationalize ang hindi bababa sa kalahati ng mga ruta ng mga jeepney sa Pilipinas sa pagtatapos ng taon at makamit ang 100% sa pagtatapos ng 2026 bilang bahagi ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP), ayon sa Department of Transportation (DOTr) nitong Linggo.

Ayon kay DOTr Undersecretary Jesus Ferdinand Ortega, ang route rationalization ang magsisilbing batayan para sa mga ruta ng jeepney sa buong Pilipinas, at magdidikta kung ilang jeepney unit ang kakailanganin sa bawat ruta.

Sinabi ni Ortega na kailangang matapos ang route rationalization bago magkaroon ng obligasyon ang mga kooperatiba na magpalit ng sasakyan.

Sa ilalim ng route rationalization program, makikipag-ugnayan ang DOTr at LTFRB sa local government units (LGU) upang pag-aralan kung anong ruta ang kailangan at kung gaano karaming mga unit ang kilangan upang matiyak na ang pangagailangan ay natutugunan.

Kapag natukoy na ang mga numero, bibigyan ang mga jeepney cooperative ng 27 buwan para makabili ng mga bagong sasakyan na sumusunod sa PUVMP na naglalayong magkaroon ng mga sasakyang may Euro-4-complainant engines upang mabawasan ang polusyon at maalis ang mga units na hindi na roadworthy.

Umaasa ang DOTr na sa pagtatapos ng 2029 ay magiging moderno na lahat, hindi lamang ang mga sasakyan kundi maging ang mga ruta. Jocelyn Tabangcura-Domenden