Home METRO Puganteng tumakas mula sa kulungan balik-selda matapos magtago ng 22 taon

Puganteng tumakas mula sa kulungan balik-selda matapos magtago ng 22 taon

MANILA, Philippines- Mahaba ang braso ng batas.

Ito ang napatunayan ng isang pugante nang maaresto muli matapos ang dalawang dekadang pagtatago.

Ayon sa Bureau of Corrections (BuCor), ang pugante ay naaresto muli sa Sitio Bunga, Barangay Quintin Remo, Moises Padilla sa Negros Occidental.

Hindi na pinangalanan ang naturang pugante na ikinulong noon sa Inagawan Sub-Colony ng Iwahig Prison and Penal Farm (IPPF) sa Palawan dahil sa kasong pagnanakaw hanggang sa makatakas noong September 9, 2002.

Ang muling pagkakaaresto ng pugante ay bunga ng joint operation ng IPPF Fugitive Recovery Team (IPPF-FRT), Police Intelligence Unit (PIU) Negros Occidental Police Provincial Office at ng Moises Padilla Municipal Police Station.

Pinangunahan ang naturang operasyon ni IPPF Superintendent Chief Supt. Gary A. Garcia at suportado ni BuCor Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr. Teresa Tavares