Manila, Philippines – Napamura na lang ng: “Anak ng pu–! Lindol ba ‘to?” ang National Artist na si Ryan Cayabyab na naabutan ng lindol sa Bangkok, Thailand nitong March 28.
Kasama ni Maestro Ryan ang asawang si Emmy Punsalan.
Post niya sa kanyang social media account, palabas na raw sila ng gusali makapananghalian nang pinagtutulakan daw sila ng mga tao.
Maya-maya’y nakita nilang marami nang tao sa kalsada.
Niyanig ng 7.7 magnitude ang Bangkok kung saan sa Central Myanmar ang epicenter.
Ani Maestro, hindi agad sila nakapasok sa hotel na tinutuluyan sa haba ng pila sa elevator.
Nang makapasok sa kanilang hotel room ay agad silang nag-empake ng mga gamit.
Patungo na sila sa airport para makauwi.
Kaso, pahirapan daw ang pagkuha ng Grab taxi.
Maging ang operasyon ng MRT ay natigil na rin.
Nagdulot daw ng matinding traffic ang lindol.
Tumanggi raw si Ryan na magpalipas ng isang araw sa Bangkok.
Iniiwasan daw nilang mag-asawa na tumuloy sa 26th floor sa takot na baka magkaroon uli ng lindol.
Kinabukasan, masayang ipinost ni Ryan na matiwasay silang nakauwi ng bansa ng kanyang misis.
Coming home safe and sound, Mr. C and his wife have a lot to thank God for. Ronnie Carrasco III