Home NATIONWIDE Ex-Comelec Commissioner pumanaw sa edad na 87

Ex-Comelec Commissioner pumanaw sa edad na 87

MANILA, Philippines- Pumanaw na sa edad na 87 si dating Commission on Elections (Comelec) Commissioner Virgilio Garcillano noong Sabado sa Baungon, Bukidnon.

Nakilala si Garcillano dahil sa kontrobersyal na ‘Hello Garci’ scandal.

Siya ay nakaburol sa St. Peter’s Chapel sa uptown Cagayan de Oro City mula pa noong Linggo. Ang detalye ng kanyang libing ay wala pang anunsyo.

Matatandaang naging kontrobersyal ang dating komisyuner nang lumabas noong 2005 ang recording ng kanilang pag-uusap ni datig Pagulong GLoria Macapagal-Arroyo.

Inamin ni Arroyo na nakipag-usap siya sa isang opisyal ng Comelec sa panahon ng canvassing at humingi ng paumanhin sa kanyang pagkakamali sa paggawa ng tawag.

Pinabulaanan ng komisyuner na inutusan siya ni Arroyo na mandaya sa halalan at inamin na nakipag-usap siya matapos ang bilangan ng mga boto.

Nagtapos si Garcillano ng abogasya sa University of the East noong 1960. Nagsilbi bilang career official ng Comelec, mula sa pagiging special attorney noong 1961 hanggang sa pagiging regional director sa Northern Mindanao. Jocelyn Tabangcura-Domenden