Home METRO Puganteng US military inaresto ng BI!

Puganteng US military inaresto ng BI!

MANILA, Philippines- Inihayag ng Bureau of Immigration (BI) ang pag-aresto sa isang American national na wanted sa kanyang sariling bansa dahil sa military desertion.

Kinilala ni BI Commissioner Norman Tansingco ang dayuhan na si Johnmark Katipunan Tandoc, 32, na naaresto sa kahabaan ng Roxas Boulevard noong Agosto 7.

Nabatid sa BI na si Tandoc ay kasama sa summary deportation order mula sa BI dahil sa pagiging undesirable at undocumented alien, na banta sa public safety.

Napag-alaman na una nang ipinagbigay-alam ng gobyerno ng US sa BI na si Tandoc ay isang takas mula sa hustisya at mayroon din itong outstanding warrant of arrest sa US para sa military desertion na inisyu ng US Armed Forces, kung saan siya dati ay nagsilbi bilang Specialist.

Nabatid din na undocumented si Tandoc, dahil nag-expire na ang kanyang passport.

“The success of this operation is a testament to the strong partnership between our two nations in ensuring that fugitives are caught and made to face their crimes,” ayon kay Tansingco.

“We will continue to work closely with our international counterparts to address threats to security and uphold the law,” dagdag pa nito.

Mananatili si Tandoc sa pasilidad ng BI sa Bicutan, Taguig habang pinoproseso ang deportasyon nito. JAY Reyes