Home ENTERTAINMENT Jak, inokray sa anti-selos video!

Jak, inokray sa anti-selos video!

Manila, Philippines- Umani ng samu’t-saring reaksyon ang series of anti-selos TikTok videos ni Jak Roberto sa social media.

Sa nasabing videos, lumalabas tuloy na authority o resource person siya ng mga taong may problema sa kanilang mga dyowa kahit pa ginawa itong patawa.

Sa videos eme niya, ang projection niya ay tila underdog o ever understanding boyfie siya na nagpapayo sa mga taong nagseselos sa kanilang mga jowa.

Sey tuloy ng mga nagmamaldita, front daw ba ito ng actor para palabasing hindi siya apektado ng selos sa pagiging close ni Barbie Forteza sa love team partner nitong si David Licauco?

May mga nagsasabi namang sinasakyan lang ng actor ang isyu ng BarDa para ipakitang isa siyang sport na walang care kesehodang gusto siyang iligwak ng BarDa fans.

Ito ang samu’t-saring reaksyon ng kibitzers sa kanyang anti-selos videos.

“Beh, trending si Jak dahil dyan. Maraming gumawa ng memes about him. Ang cool nga na sinakyan niya yung issue. Witty.”

“Sana invest na lang siya sa acting workshops para mas dumami projects niya ‘di yung sumasakay sya sa kasikatan ng jowa nya ngayon. Wag niya hayaan na forever na lang siya makilalang ‘bf ni Barbie Forteza.’ Get out of her shadow. Maraming paraan to be his own person at makilala sya on his own merits.”

“May itsura naman tong si Jak. Di man magaling pero marunong naman umarte so bakit di na lang humanap ng acting projects kesa magkalat ng ganyan.”

“Wala naman siyang karapatan magselos kasi trabaho lang ang BarDa. Alam naman natin na iba type ni B lol.”

“Bagay si Jak mag-perform sa gay bar. Walang ka effort effort.”

“Jusko pati ba naman pagseselos gamit na gamit si B.”

“Feeling underdog si guy.” Archie Liao