Home ENTERTAINMENT Puksaan sa acting nina Kathryn at Maja, pinag-uusapan!

Puksaan sa acting nina Kathryn at Maja, pinag-uusapan!

1
0

Manila, Philippines – Ang daming kuda ng mga nagmamaldita sa seryeng pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo, James Reid at Maja Salvador.

Sa puksaan daw ng acting nina Kathryn at Maja, nasapawan ng huli ang una.

Hirit ng kibitzers, hindi raw umubra ang powers ni Kath kay Maja.

Ito ang ilan sa mga komento ng mga nagmamarisol sa umpukan ng mga tsismosang kapitbahay.

“Parang wala naman akong nakitang bago sa akting ni Kathryn. Same lang.”

“Grabe ang galing at tindi ng presence ni Maja.”

“Parang nagho-hold back pa rin kasi si Kathryn na pabebe.”

“Ang layo naman ng comparison. Si Maja, Urian Awardee, si Kath, Box Office Queen.”

“Wala pang major acting award si Kathryn maliban sa Famas.”

“Baka naman kasi sa pagkakasulat ng character ni Kathryn na passive siya kaya mas markado iyong obsessed fan role ni Maja.”

“Diyos ko. Ang roles ni Maja nagmamarka.

Lily Cruz! Camilla? Nicollleee!!! Thelmaaaa? Ivy Aguas Margaux, Andrea, saan ka pa? She’s versatile in different genres.”

“Si Maja keber kahit pumangit. Si Kath parang conscious siya sa kanyang looks.”

“Villain man o protagonist, merong-keri ni Majasty.”

“She is even overshadowed by her juniors Alexa Ilacad and Daniela Stranner.”

“Her star power isn’t enough to overshadow Maja’s acting prowess.” Archie Liao

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here