Home METRO Pulis bumangga sa poste, patay

Pulis bumangga sa poste, patay

ZAMBOANGA DEL SUR- PATAY ang isang pulis matapos atakihin sa sakit sa puso habang nagmamaneho ng kanyang sasakyan at bumangga ito sa poste, nitong Linggo, Hunyo 2 sa bayan ng Labangan.

Kinilala ang biktimang si Police Lt. Rymer Aries Pernito, 52-anyos, at nakatalaga sa Zamboanga del Sur Provincial Police Office, Pagadian City.

Sa report ng Labangan Municipal Police Station, umaga nitong Linggo naganap ang insidente sa kalsadang sakop ng Purok Bagong Silang, Barangay Lower Pulacan ng naturang bayan.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, minamaneho ng biktima ang kanyang Isuzu pick-up truck na may plakang JAN-4600 at binabaybay ang naturang lugar.

Bigla na lamang nawalan ng kontrol sa manibela ang biktima nang sumakit ang dibdib nito dahilan para bumangga siya sa poste.

Mabilis naman rumesponde ang mga awtoridad sa lugar ng pinangyarihan ng insidente at dinala sa Manupac Hospital, Barangay New Labangang biktima subalit idineklara na rin itong patay ng umatending doktor dahil sa cardiac arrest. Mary Anne Sapico