Home ENTERTAINMENT SB19, BINI, et al, magsasama sa concert!

SB19, BINI, et al, magsasama sa concert!

Screenshot

Manila, Philippines- Mangyayari na nga ang isa sa mga dream concerts ng Pinoy music lovers dahil magsasama sa isang biggest event ng Original Pinoy Music (OPM) ang mga sikat na banda ngayon like SB19, BINI, Sunkissed Lola, at Flow G.

Ito ay sa isang concert dubbed as Nasa Atin Ang Panalo sa Hulyo 12, 2024, 7 p.m, sa Araneta Coliseum, handog ng Puregold. Ito ay para na rin sa pagdiriwang ng milestone ng Puregold sa pagkakaroon ng 500 na tindahan sa ika-25 na taon nito.

Sa pamamagitan ng Nasa Atin ang Panalo, nais ng isa sa mga malalaking supermarket chain ang magpasalamat sa mga masugid nitong mamimili, mga masisipag na empleyado, at sa patuloy na sumusuportang mga partners na malaki ang nagampanang papel sa pagkamit ng sariling panalong kwento ng kumpanya.

Ang star-studded concert ay nakatakdang maging isang hindi malilimutang gabi ng musika, inspirasyon, at purong kasayahan.

“Gusto namin itong maging isang taos-pusong pagpupugay sa kwentong katapangan, pagbabago, at panalo ng mga Pilipino—-mga panalong kaugalian na mayroon ang ating mga concert artists na sana ay makapagbigay inspirasyon sa kanilang mga kapwa Pilipino,” sabi ni Vincent Co ng Puregold.

“At kami ay natutuwang ibahagi ang mga batikang musikero na ito hindi lamang upang ipakita ang kanilang talento, at pasikatin ang lokal na musika, kundi para bigyang-diin din ang mga kwento ng SB19, BINI, Flow G, at SunKissed Lola sa pagtupad ng kani-kanilang mga pangarap.”

Ang P-Pop idols na SB19 ay nakaranad ng roller-coaster journey sa kanilang career at ang pananatiling matibay upang mapagpatuloy ang kanilang pag-angat sa industriya ng musika ay kitang-kita sa kung nasaan man sila ngayon.

Ang nabansagang “nation’s girl group” na BINI naman ay umaawit ng mga kantang tungkol sa nakakakilig na pag-ibig ng kabataan, kasiyahan, at empowerment. Pinapakita rin ng grupo ang patuloy na pag-unlad nito sa pagkukwento ng kanilang mga karanasan sa iba’t ibang paraan.

Ipinapangako ng Nasa Atin ang Panalo concert ang isang gabing puno ng saya para sa mga A’Tins, Blooms, Dolores, at mga tagapaghanga ni Flow G. Asahan din ang mga sorpresang bisita sa concert na mapapaganda ng kabuuang karanasan ng mga pupunta.

Ang mga mga fans at followers ay maaari ring magpunta sa VIP section ng venue kung saan makikita ang pinakamagandang view; mga group photos sa loob ng coliseum kasama ang mga kapwa fans sa pagdiriwang ng gabing ito; at mga eksklusibong mga merchandise na magpapaalala sa gabing ito na magpapanatiling buhay sa mga alaala kahit matagal nang tapos ang event. JP Ignacio