Home ENTERTAINMENT Heart, inihayag ang laman ng prayers!

Heart, inihayag ang laman ng prayers!

Manila, Philippines- Ayon kay Heart Evangelista, natutunan na niyang tanggapin ang katotohanan na hindi na siya magkakaanak matapos ang apat na beses na nakunan.

Sa live session ni Heart sa Instagram ay natanong ang actress kung ano ang laman ng kanyang prayers lately at ang sabi niya ay ipinagdarasal na lang niya kung ano ang gusto ni Lord sa kanya.

“I just pray for God`s will. I used to pray a lot for certain things and in fairness naman sa Kanya, ibinibigay Niya sa akin. But I think, at a certain age, you kinda just pray for what you know, the grace to accept what God wants for you.

“Because you know, as you grow older and you go through life, not everything kinda goes to your way, not everything you like is given to you. But sometimes, it is still a blessing. Like for example, you know, I would pray for having a baby,” aniya.

Balik tanaw niya, nang makunan siya sa kanyang twins ay na-traumatize siya at ayaw na niyang magkaroon ng anak.

“In fact, I was very afraid to have a baby. Inisip ko, maybe hindi ibinigay sa akin coz I`m not a good mom, I`m not gonna be a good mom.

“So, parang takot ako, the idea I get hives with the idea.” aniya.

“And then, there was a time that I was ready to have a baby, and then, hindi naman ibinigay sa akin,” sabi pa niya.

Kaya ngayon daw ay ipauubaya na lang niya kay Lord kung ano ang gusto Nito para sa kanya.

“Now, parang instead of complaining or instead of you know, complaining, I am praying more and more na lang na ibigay.

“So, para peaceful lang ang life. Kung hindi ibinigay sa`yo, you should be happy about it,” aniya.

“And you know, I`m really blessed, you know, I really have good people around me. I have a good life, my husband is healthy, I`m healthy. So, wala na tayong hihingin pa. Kung ano na lang ang ibigay,” she said.

Pero hindi niya ikinaila na talagang ikinawasak ng puso at iniyakan niya ang nangyari.

“Wasak kung wasak. Iyak kung iyak. Pero yun tayo, eh, you can`t have it all. So I`m not gonna be bitter. I just gonna be happy with what`s in front of me,” pahayag ni Heart. Gerry Ocampo