Home ENTERTAINMENT Sitcom ni Vic sa GMA, tapos na!

Sitcom ni Vic sa GMA, tapos na!

Manila, Philippines- Tulad ng anumang relasyon, akma ang linyang “some good things never last” sa mga programa sa TV.

A case in point nga ay ang sitcom ni Bossing Vic Sotto kasama sina Jose Manalo at Sophia Pablo na Open 24/7 dahil tuluyan na itong nagsara!

Effective nitong June 1, Sabado’y hindi na nga mapapanood ang naturang show na prodyus ng MZet Productions.

Ang dating kasunod na Magpakailanman ay Daig Ka ng Lola Ko ang pumalit.

Nakakalungkot isipin na ‘yun na lang ang natirang kuneksyon ni Bossing sa GMA, nawala pa.

llang taon ding naging tahanan ni Vic–at nina Tito Sotto at Joey de Leon– ang Kapuso network kahit blocktimer ang kanilang mga kinabibilangang programa.

While it’s GMA’s loss ay panalong maituturing ito ng TV5.

‘Yun nga lang, hindi pa plantsado ang gagawing show ng TVJ sa Kapatid network.

Samantala, balitang pinaghahandaan na ng GMA ang ipantatapat nito sa programang naghuhudyat ng pagbabalik ni Willie Revillame sa TV via TV5.

Matatandaang bago nakipagsapalaran si Willie sa AlITV na pag-aari ng mga Villar ay close to eight years ding naging tahanan ng Wowowin ang GMA.

Reportedly, Willie’s resurrected show on TV5 will air after Eat Bulaga.

Kumbaga, magkasangga na ang TVJ at si Willie laban sa pinanggalingang istasyon. Ronnie Carrasco III