Home METRO Pulis na buntis patay sa hit and run

Pulis na buntis patay sa hit and run

TABUK CITY, Kalinga- Dead on arrival sa pagamutan ang isang nagdadalang-tao o buntis na pulis matapos ma-hit and run ng SUV sa Mapaoay, Ipil, Tabuk City, Kalinga.

Kinilala ang biktima na si PSSg Revelyn Dumaguing, 34-anyos, at residente ng Dagupan Centro, Tabuk City dito sa nasabing probinsya.

Una rito, tumugon ang kanyang kabaro sa Almora General Hospital matapos makatanggap ng ulat kaugnay sa umano’y hit and run.

Nadatnan pang sinusubukang i-revive ng umatending doktor ang biktima bagama’t kalauna’y idineklara ring patay ang buntis na pulis.

Ayon sa kapatid ng biktima, umuwi umano ang pulis sa kanilang tahanan sa Mapaoay, Ipil sakay ng kanyang motorsiklo .

Nang tingnan ang paparating na biktima, nakita umano ng kapatid nito sa lugar ang tila bakas ng aksidente na tila naging palaisipan umano sa kanila.

Nang makarating sa lugar nag biktima, laking gulat ng mga ito na ang sangkot pala sa aksidente ay ang kanilang kapatid na nakitang nasa gilid na ng daan at naliligo na sa sarili nitong dugo.

Agad itinakbo ng mga ito ang kanilang kaanak sa Almora General Hospital subalit idineklara ring patay.

Ilang oras pang naghanap ang mga kapulisan sa posibleng pagkakakilanlan ng suspek hanggang sa sumuko rin umano ito sa Tabuk City Police Station.

Kinilala ang suspek na si Carlito Balutoc, 63-anyos, may asawa, barangay lupon at residente ng Lucog, Pinagan dito sa nasabing Lungsod.

Pansamantalang nasa piitan ng pulisya ang suspek habang inihahanda na ang kaso laban sa kanya. Rey Velasco

Previous articleDTI nagbabala vs pagbebenta ng ‘mystery parcels’
Next article‘Toki’ route sa UP Diliman muling umarangkada