Home METRO ‘Toki’ route sa UP Diliman muling umarangkada

‘Toki’ route sa UP Diliman muling umarangkada

MANILA, Philippines- Inihayag ng University of the Philippines-Diliman campus nitong Lunes na ibinalik nito ang “toki” jeepney route.

Sa pahayag nito sa social media accounts, sinabi ng UP Diliman na ito ay bilang tugon sa apela mula sa mga estudyante, faculty, mga magulang at staff.

“Ito ay bilang tugon sa kahilingan ng maraming mag-aaral, magulang, mga kawani, at fakulti mula pa noong magluwag ang national health emergency,” anito, na tinutukoy ang mga restriksyon sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Bumibiyahe ang rutang “toki” sa direksyong “clockwise” sa loob ng campus, kaya ito ang naging tawag dito dahil kabaligtaran ito ng “ikot” jeepneys ng campus, na bumibiyahe sa direksyong “counterclockwise.”

“Sang-ayon sa mga naging konsultasyon sa mga mag-aaral, transport groups, at iba pang stakeholders, susundin ng mga TOKI jeeps ang dati na nitong ruta (na may kaunting pagbabago),” anito habang ipinapakita ang ruta.

Inihayag din nito na nilalayon ng pagbabalik sa ruta na padaliin ang pagbiyahe sa campus, partikular tuwing Marso hanggang Mayo, kung kailan mainit ang panahon. RNT/SA

Previous articlePulis na buntis patay sa hit and run
Next article2 sports car na namataan sa Manila, Kabite tinutunton ng BOC