Home METRO Pulis na nangikil ng drug suspect kalaboso!

Pulis na nangikil ng drug suspect kalaboso!

MANILA, Philippines- Isinampa na ng Caloocan City regional trial court (RTC) ang kasong Robbery with intimidation of person laban sa pulis na huli sa aktong pagtanggap ng P30,000 mula sa kapatid ng suspek sa illegal drug trading. 

Kinilala ng Department of Justice (DOJ) ang pulis na si PSSG Andro C. Centeno na naaresto nitong Hunyo 24 sa entrapment operation na isinagawa ng Philippine National Police-Integrity Monitoring and Enforcement (PNP-IMEG).

Nahuli si Centeno na tinanggap ang P30,000 kapalit ng pagpapalaya ng suspek sa ilegal na droga.

Inirekomenda ang P100,000 na piyansa laban sa pansamantalayang paglaya ni Centeno.

Sinabi ni DOJ Secretary Jesus Crispin C. Remulla na dapat itong magsilbing babala sa mga tiwaling pulis at kawani ng gobyerno na huwag abusuhin ang kanilang kapangyarihan at huwag samantalahin ang kanilang posisyon para magpayaman. Teresa Tavares