Home METRO Pulis sugatan sa look-out ng pasugalan

Pulis sugatan sa look-out ng pasugalan

MANILA, Philippines – Isang miyembro ng Cavite Police ang nabaril ng isang hinihinalang look-out sa isang pasugalan nang nagsagawa ng hot pursuit operation sa Dasmariñas City, Cavite.

Ayon sa report, kinilala ang biktima na si PSSG Jose Granados, nasa hustong gulang, nakatalaga sa Dasmariñas CPS na nagtamo ng tama ng bala sa katawan at kasalukuyang ginagamot sa De la Salle University, University Medical Center (DLSU-UMC)

Kaagad namang nadakip ang suspek na si Alyas Khalil na nasa kustodiya ng pulisya.

Batay sa ulat, bandang alas-5:15 ng hapon nang nagsagawa ng anti-illegal gambling operation ang mga operatiba ng INTEL Station Drug Enforcement Team ng Dasmatrinas CPS sa Brgy H2, Dasmarinas City nang sa pagdaan nila sa isang bakanteng lote ay isang lalaki (suspek) ang mabilis na bumunot ng baril.

Nagsisilbi umano itong look-out at pinaputukan ang mga awtoridad.

Nagtamo ng tama ng bala sa tiyan at kanang hita ang biktima habang ang suspek ay mabilis na tumakas sa direksyon ng Brgy. Sultan Ismael matapos ang pamamaril.

Nagsagawa ng hot pursuit operation ang Dasmariñas CPS at sa pakikipag-ugnayan sa kapitan ng Sultan Ismael ay naaresto ang suspek. Margie Bautista