MANILA, Philippines – Sinabi ni Davao City Rep. Paolo Duterte na siya ay nakasailalim umano sa surveillance ng mga operatiba sa Davao City.
“VIP na pala ako? Lahat na lang yata ng mga operatives ay sinusundan ako sa Davao. I feel safe, may security backup na ako,” ayon kay Duterte sa kanyang Facebook post.
Sinabi niya na balitang balak muling bumisita sa kanyang bahay ang mga operatiba at hiniling na ipaalam sa kanya ang iskedyul upang siya ay makapaghanda.
“To the tough operatives, next time, do not use a Land Cruiser. I feel sorry for the one you borrowed it from – fuel costs are expensive. Use an EV instead,” pahayag pa ng solon.
Dagdag pa niya, tila mas updated pa umano ang mga operatiba sa kanyang galaw kaysa sa kanyang sariling staff. Aniya, kung papasok sa kanyang bahay ang mga awtoridad, huwag na umanong patagalin pa at sa halip ay inimbitahan pa ang mga ito sa pagkain, kung saan ihahanda niya ang kape, bibingka, suman, siopao, at ketchup para sa “VIP treatment.”
“And if this is indeed an investigation, it appears I am the most closely monitored individual in the entire country. I wish everyone had the same experience,” dagdag niya.
Hindi tinukoy ni Duterte kung sinong mga operatiba ang kanyang tinutukoy o kung anong ahensya ang sangkot sa umano’y surveillance. Sa ngayon, wala pang pahayag ang mga awtoridad kaugnay ng kanyang alegasyon. Mary Anne Sapico