Home NATIONWIDE Pulong Duterte umapela na rin sa SC sa pagpapalaya ng ama

Pulong Duterte umapela na rin sa SC sa pagpapalaya ng ama

MANILA, Philippines – Naghain na rin si Rep. Paolo “Pulong” Duterte ng petisyon para sa writ of habeas corpus, at certiorari and prohibition sa Korte Suprema upang pilitin ang gobyerno na palayain ang kaniyang ama na si dating pangulong Rodrigo Duterte.

Sa 53 pahinang petisyon, humingi ng temporary restraining order si Pulong laban sa pakikipagtulungan ng pamahalaan sa International criminal Court (ICC) at sa Interpol dahil matagal nang kumalas ang Pilipinas sa Rome Statute na siyang nagbuo ng ICC.

Hiniling sa petisyun na magpalabas ang Supreme Court ng writ of habeas corpuz sa mga police officer na nagdala kay Duterte sa The Hague, Netherlands.

Iginiit ni Pulong na iligal ang pag-aresto at pagkakulong sa kanyang ama.

Pumirma bilang kanyang abugado si dating Presidential Spokesperson Atty Harry Roque.

Ito na ang ilatlong petition for Habeas Corpuz with Prayer for TRO na isinampa sa korte Suprema.

Ang dalawang naunang petisyun ay inirafol na sa magsisilbing Member-in-Charge. Teresa Tavares