MANILA, Philippines – Nagpahayag ng intensyon sina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Pangulong Donald Trump ng Estados Unidos na magpulong, ngunit wala pang tiyak na petsa, ayon sa Malacañang.
Kinumpirma ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro ang plano, subalit wala pang eksaktong timeline para sa nasabing pagpupulong.
Ayon kay Philippine Ambassador sa US Jose Manuel Romualdez, posibleng maganap ang pulong sa tagsibol, habang pinalalakas ng Pilipinas ang ugnayan nito sa US, lalo na sa kalakalan at depensa.
Kabilang sa mga plano ang pag-angkat ng LNG mula sa Amerika bilang bahagi ng kasunduan sa kalakalan.
Sinabi rin ni Romualdez na alam ng White House ang hangarin ng Pilipinas para sa one-on-one meeting, at hinihintay na lamang ang opisyal na imbitasyon, na inaasahang magaganap sa tagsibol. RNT