MANILA, Philippines – Sinabi ng Department of Tourism (DOT), kumita ang Pilipinas ng mahigit P65 bilyon mula sa mga produktong at serbisyong may kaugnayan sa turismo noong Enero 2025.
Itinuring itong senyales ng matatag na pagbangon ng industriya ng turismo ng bansa mula sa epekto ng pandemya.
Ayon kay Tourism Secretary Christina Garcia-Frasco, ang pagtaas ng kita ay nagbigay-daan sa paglikha ng libu-libong trabaho at oportunidad sa kabuhayan, lalo na sa mga rural at hindi gaanong napagsisilbihang lugar.
Nalampasan ng kita noong Enero 2025 ang pre-pandemic na kita na P43 bilyon noong Enero 2019, na may pagtaas na 151.46% sa halaga ng piso at 136.1% sa halaga ng dolyar.
Umabot sa 1,167,908 na dayuhang turista ang bumisita sa Pilipinas sa unang dalawang buwan ng 2025.
Nangunguna pa rin ang South Korea na may 295,611 na bisita, sinundan ng US (229,836), Japan (83,208), Canada (65,145), at Australia (61,564). Kabilang din sa mga bumisita ang mga turista mula China, Taiwan, UK, Singapore, at France.
Inaasahan ng DOT ang pagdami pa ng mga turistang Koreano matapos italaga si Seo In-Guk bilang celebrity tourism ambassador ng Pilipinas. RNT