Home METRO Pump boy tinaga sa mukha ng nagpa–full tank na nagbayad lang ng...

Pump boy tinaga sa mukha ng nagpa–full tank na nagbayad lang ng P60

117
0

DAVAO CITY-  Wakwak ang mukha ng isang pump boy matapos tagain ng lalaking nagpa-full tank ng gasolina at nagbayad lamang sa halagang P60, iniulat kahapon sa Tagum City.

Nilapatan ng lunas sa ospital ang biktima na kinilalang si Nasser Bituanon, habang nadakip naman na si Rodolfo Cantiveros, kapwa nasa hustong gulang.

Batay sa report ng Tagum City Police Station, bandang alas-12 ng tanghali noong Linggo naganap ang insidente sa isang gasolinahan sa Purok 13, Brgy. San Miguel, Tagum City, Davao del Norte.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, nagpakarga ng full tank sa kanyang motorsiklo ang suspek sa biktima subalit P60 lamang ang ibinayad nito.

Para maputol ang usapin, tinanggap na lamang ng biktima ang bayad ng suspek dahil sa kakaiba nitong ikinikilos.

Dito na kumuha ng patalim ang suspek at pinagtataga sa mukha ang biktima habang mabilis na tumakas ang suspek.

Nakahingi naman ng tulong ang biktima sa kanyang mga kasamahan at dinala ito sa ospital.

Mabilis namang rumesponde ang mga awtoridad sa nasabing lugar na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek na ngayon ay nahaharap sa kasong attempted homicide. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here