Home NATIONWIDE Pumping station sa Pagadian ninakawan, 5K residente nawalan ng tubig

Pumping station sa Pagadian ninakawan, 5K residente nawalan ng tubig

1
0

MANILA, Philippines – Pinasok ng mga magnanakaw ang pumping station ng Pamana Water Corporation sa Pagadian City, at ninakaw ang mga electrical wiring at iba pang kagamitan na nakaapekto sa operasyon ng naturang istasyon.

Nagdulot din ng pagkawala ng suplay ng tubig ang pagnanakaw sa limang barangay sa lungsod.

Kabilang sa mga apektadong barangay ay ang Dao, Bulatok, Manga, Lenienza, San Jose, at bahagi ng Sta. Maria.

Sinabi ni Engr. Isagani Kagatan, engineering head ng Pagadian City Water District, na ang mga ninakaw na wire na nasa 500 metro ay nagkakahalaga ng P700,000 at mahalaga sa pagpapatakbo ng main pumping station at tatlong booster stations.

Aabot sa 5,000 tirahan ang naapektuhan dahil sa insidente.

“The suspects may have been experts, as the lines were still live when they were taken. It is possible they had experience in electrical work,” sinabi ni Kagatan.

Nagpapatuloy naman ang assessment sa mga nawawalang component.

Ayon sa mga saksi, nakita nila ang isang dilaw na tricycle malapit sa pasilidad sa oras na napasok ang naturang istasyon.

Sinusuri na rin ng mga imbestigador ang mga junk shop sa lungsod at kalapit na lugar na posibleng napagbentahan ng mga wire.

“We appeal for your help. If you have any information or have noticed suspicious individuals near our pumping stations, please report immediately to our office or the nearest authorities,” ani Kagatan. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here