Home NATIONWIDE Puno suporta sa pag-abolish ng ICI; tiwala kay Ombudsman Remulla

Puno suporta sa pag-abolish ng ICI; tiwala kay Ombudsman Remulla

218
0

MANILA, Philippines – Walang problema kay Deputy Speaker at Antipolo 1st District Rep. Ronaldo “Ronnie” Puno ang planong pag-abolish ng Independent Commission for Infrastructure (ICI), dahil sa mataas niyang tiwala kay Ombudsman Jesus Crispin “Boying” Remulla.

“Me, personally, I think yes [dapat mag-close shop na ang ICI],” ani Puno sa isang virtual press conference.

Pinaliwanag niya na ang ICI ay nagdudulot ng kalituhan dahil nagdodoble lang ito sa trabaho ng Ombudsman, na siyang itinalaga ng Saligang Batas para magbantay sa ganitong uri ng problema.

Aniya, “Yung ating Ombudsman ngayon, sa tingin ko ang credibility mataas,” at tinukoy si Remulla bilang matapang at hindi sumusuko sa pagtugon sa mga anomalya sa flood control projects.

Sinabi rin ni Puno na mas mabuting sundin ang konstitusyon at iwan ang lahat sa Ombudsman, na may awtoridad at responsibilidad na magsagawa ng tama o magpasya kung may mas mainam na hakbang. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here